histography
edad: 21
address: stratosphere fold, earth
e-mail: ishybitsy@yahoo.com (kung may importante kang sasabihin)
describe yourself: don’t judge me! ako ang pinakaboring na taong inyong makikilala. walang social life. isa po akong supladita. hindi enjoy ka-text o ka-chat dahil aawayin lang kita, lalu na kung di kita kakilala. mahal ang mga ngiti ko. binibigay lang kapag gusto ko o kailangang gawin ko. sa isang lugar malabong mapansin mo ako. laging silent mode, nag-tumbling na ako sa harap mo hindi mo pa mamamalayan. once a month lang ako madaldal. kaya kong manahimik ng 24 hours basta may lapis at papel na hawak.
favorites: ballpen, papel at libro.
likes: mag-ausap basta nobela ni sidney sheldon o paulo coelho at mga poems ni edgar allan poe ang usapan. o kaya ang music ng oasis, coldplay, my chemical romance at lifehouse. o kaya usapang politika. hindi kita uurungan lalo na kung debate ang iyong hanap.
dislikes: TV, hindi ako nanonood ng tv (hindi madalas) hindi necessity sa buhay ko ‘yun.
hobby: ang hindi pagtulog. maximum of 6 hours lang ang kaya ng mga mata ko. minsan natutulog ako ng dilat lalo na sa loob ng klase) kung papaano ko nagagawa ‘yun, ewan. iyon lang siguro ang special talent ko.
isang salita para ilarawan ako: blangko
paboritong kulay: dilaw na tulad sa saging na lakatan
achievements: (resume ba ito?) tatlong medal (na hindi ko binili) sa college graduation (BSN) at maraming, marami pang certificates at chuvaness. at isang Registered Nurse sa Pilipinas.
mga pangarap: world peace, maging BSN, RN, MD., magkaroon ng Palanca award, maging parte ng Philippine Daily Inquirer (miski taga-mop lang ng sahig ng EIC), magkaroon ng sariling kotse para tirhan, pero bago iyon sana bumaba muna ang presyo ng gasolina kundi magtitiis ako araw-araw sa LRT-MRT na siksikan parati.
crush: red ballpen
most embarrassing moment: mga typos at gramatical errors dito.
dedication: para sa’yo na nagbabasa, enjoy lang. mag-iwan ka na rin ng comment para masaya.



June 29, 2008 at 6:58 am
lol i have to admit i’m having a LOT of trouble reading your tagalog posts. i need to practice, i guess