Archive for August, 2008

red ballpen

Posted in destiny adik on August 27, 2008 by ishybitsy

matagal na akong panatiko ng pulang tinta. halos laht ng notes ko noong college maging ngayon ay nakasulat sa tintang pula.

red ballpen. parating mayroon niyan sa bag ko. kadalasan, mas marami pa ang red ballpen ko kaysa sa black. hahahaha!

naalala ko, noong nagkukwentuhan kami ng isang kaibigan tungkol sa mga love life at iba pang korning bagay. pilit akong inuusisa kung bakit walang pag-ibig *naks!* sa buhay ko. parati ko lang sagot, “darating din yun, antay ka lang. hindi naman ako nagmamadali.” (pero sa totoong buhay, sa aking pananaw, istorbo lang sa buhay ang mga yan! *bitter?*) dahil sa pagigigng lulong sa pag-ibig nitong kaibigan ko, gumawa kami ng isang deal kuno o isang destiny challenge. tinanong niya ako kung ano ba daw ang gusto kong “sign” (wow, ang korny talaga!) sabi ko. “basta yung lalaking nagamit ng RED ballpen/ink sa mga sinusulat niya.” ok, deal, red ballpen. yun a ng soulmate mo. (duper korny)

at ang usapang yaon ay naganap pa noong freshmen years namin taong 2004. maraming taon na ang lumipas, pero wala parin ang red ballpen sign. at wala parin ako love life. (hindi ako nagrereklamo, may patutunguhan ang kwentong ito.)

August 27, 2008. makalipas ng apat na taon. nakita ko ang red ballpen sign. (destiny addict ba ako?!) nagulantang ako ng makakita ng isang lalaki na gumagamit ng red ink sa pag scribble niya ng notes sa mismong harap ko. nag-request pa siya dun sa assistant niya na ikuha siya ng red ballpen dahil mas gusto niya daw yun. *creepy* is that a sign?! (*adik ka!*)

o diba, walang kwenta ang kwento ko. ewan! naalala ko lang kasi. at nagkaroon ng katuparan ang aming korning deal-slash-destiny additive-slash-kababawan. can this be a lab-oratory test? tama na di ko na kinakaya ang mga sinusulat ko.