alam mo ba ang tanong na umiikot sa isip ko?
“hoy, saan ka ba patungo?”
ang akala mong pagtatapos ng pinaka-malaking hirap mo (ang board exam) ay entrance gate pala ng mas mahirap na mundo.
ngayon ko lang nakita, wow ang laki pala ng mundo. dati kasi may linya ang daan, ngayon sobrang laya mo na para magka-iwa-iwarang.
ang hirap maghanap ng trabaho.
ang hirap ng walang baong pera at lakas ng loob.
nakita ko na ang mga halimaw ng mundo, at OO natakot ako.
ang hirap.
PERO. nagdadasal pa rin ako.
nananalig. makikita di natin ang daan. ituturo Niya ang daan.
kaya natin ito. kaya ko ito.
EGO: sige clarice, kumbinsihin mo pa ang sarili mo.

